“Queer People can be best actors.” - Vice Ganda

“Kaming mga bakla, maaring hindi kami pwedeng magdalang tao, mabuntis at manganak. Pero Nanay kami, Nanay kami ng mga sarili at mga pinipili naming pamilya.”

Sa bawat baklang natutong maging matatag dahil walang sumalo, sa bawat baklang naging kanlungan ng iba kahit sila mismo ay sugatan, sa bawat baklang piniling magmahal at mag-aruga sa mundong madalas tumatanggi—
ito ang katotohanan:

Ang pagiging Nanay ay hindi nasusukat sa sinapupunan, kundi sa pusong marunong mag-alaga, magsakripisyo, at magmahal nang walang kapalit.

Isang panalo hindi lang para kay Vice Ganda,
kundi para sa lahat ng baklang araw-araw pinipiling maging tahanan.  #HappyEquality

Previous
Previous

MAYA Organizational Development, General Assembly, and Culmination

Next
Next

Libreng Sakay para sa LGBTQI Community sa MRT at LRT