Libreng Sakay para sa LGBTQI Community sa MRT at LRT
𝐍𝐄𝐗𝐓 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝐒𝐎𝐆𝐈𝐄 𝐄𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐁𝐈𝐋𝐋
Ang libreng sakay sa MRT at LRT para sa LGBTQI community ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkilala at inklusyon. Isa itong paalala na may puwang ang ating komunidad sa pampublikong espasyo, at na ang dignidad at pagkakapantay-pantay ay dapat maranasan.
Nawa’y magsilbi itong paanyaya sa pamahalaan na ipagpatuloy at palawakin ang ganitong mga hakbang, mula sa simbolikong pagkilala hanggang sa mga patakarang tunay na nagtitiyak ng pantay na karapatan, proteksyon, at oportunidad para sa lahat, sa trabaho, sa edukasyon, sa kalusugan, at sa batas.
Ipinagdiriwang namin ang bawat hakbang patungo sa inklusyon, at patuloy nating hihikayatin ang pamahalaan na isulong ang mga pangmatagalang solusyon para sa tunay na pagkakapantay-pantay. Ang aming laban ay hindi lamang para sa libreng sakay, kundi para sa isang Pilipinas kung saan ang bawat bakla ay malayang mabuhay, magmahal, at mangarap araw-araw.